Ayuda para sa 22.9 million beneficiaries ng NCR+, aprubado na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang assistance program para sa 22.9 million beneficiaries sa NCR+ bubble sa harap ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendell Avisado na aabot sa 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng ₱1,000 in-kind.

Ilalabas nila ang pondo direkta sa local government units (LGUs) na sakop ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna para sa pamamahagi ng ayuda.


Layunin nitong matiyak na naibibigay ang food at non-food requirements sa mga benepisyaryo.

Ang benepisyo ay limitado lamang sa apat na indibiduwal kada pamilya.

Gagamitin ang ₱23 billion na pondo mula sa Bayanihan 1 para pondohan ng supplemental amelioration program, at sapat na ito para tulungan ang mga benepisyaryo na maitawid ang ECQ sa loob ng higit isang linggo.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na ang mga LGUs ay dapat i-adopt ang listahan ng Bayanihan 1 beneficiaries para masigurong maiaabot ang tulong sa mga nararapat na benepisyaryo.

Nais ni Pangulong Duterte na ang pondo ay mailabas sa unang linggo ng Abril.

Facebook Comments