Manila, Philippines – Naglaan na ang pamahalaan ng 103 milyong pisong ayuda para sa mga biktima ng bagyong Urduja.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan – ang nasa 22 milyong piso ay natanggap na ng mga biktima.
10,000 pesos ang ibibigay sa mga nasalanta habang 5,000 pesos para sa pamilya ng mga nasugatan.
Sinabi ni Marasigan – para makuha ito, kinakailangang magpresenta ang mga biktima ng mga kaukulang dokumento.
Samantala, ang European Union ay magbibigay ng 34 million pesos para naman sa mga biktima ng bagyong Vinta.
Facebook Comments