Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang ayuda para sa mga magsasakang apektado ng El Niño.
Ayon kay Agriculture Director Chris Morales – ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ay mabibigyan ng financial assistance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Maaari ring ma-avail ng mga magsasaka ang survival recovery funds sa ₱5,000 grant at ₱15,000 sa soft loans.
Mabibigyan din ang mga magsasaka ng fertilizers at binhi sa planting season.
Nabatid na pumalo na sa ₱4.35 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura ng tagtuyot.
Facebook Comments