Ayuda para sa mga maliliit na negosyo sa Quezon City na lubhang naapektuhan ng pandemya, tiniyak na ng QC government

Tiniyak ng pamunuan ng Quezon City government na makararating ang kanilang mga ibibigay na ayuda kung saan aabot sa 114 na maliliit na negosyo na may 5,500 empleyado sa lungsod ng Quezon ang mabibigyan na ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng ‘Kalingang Kyusi sa Negosyo’ program para sa Small Businesses Phase 2.

Nilagdaan na ni Mayor Joy Belmonte ang kasunduan para sa stimulus package sa mga negosyo.

Sumailalim sa masusing evaluation at verification process ng KQSN selection committee ang mga negosyo bago mabigyan ng wage relief.


Paliwanag pa ni Mayor Belmonte na nilalayon ng programa na tulungang makabangon ang mga negosyong lubhang naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments