Ayuda para sa mga panadero, ipinanawagan ng PAFMIL sa administrasyong Marcos

Dapat magbigay ng ayuda ang pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Marcos sa mga panadero.

Ito ang panawagan ng Philippine Association of Flour Millers Inc. (PAFMIL) sa gitna ng taas-presyo ng wheat o trigo at iba pang raw materials sa buong mundo.

Paliwanag ni PAFMIL Executive Director Ric Pinca, ang mga panadero kasi ang nagdadala ng bigat ng pagtaas ng presyo ng trigo at gasolina.


Aniya, sobrang taas ng preso ng LPG na aabot sa mahigit ₱1,000 bawat tangke kung saan yan ang ginagamit sa pagluto sa mga oven.

Dagdag pa ni Pinca, ang mga taripa sa iba pang raw materials para sa pagluluto ay dapat ding bawasan.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ni Pinca sa publiko na may sapat na suplay ng harina ang bansa.

Facebook Comments