Ayuda para sa mga private school teachers, ipinasasama sa Bayanihan 2

Umapela si Deputy Speaker Mikee Romero na bigyan din ng one-time assistance ang mga empleyado sa mga pribadong paaralan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Hiniling ni Romero na isama ang naturang tulong pinansyal sa Bayanihan 2 o We Recover as One Law.

Ayon kay Romero, dapat tumanggap din ang private school personnel ng P5,000 hanggang P8,000 o katumbas ng ipinagkaloob sa low-income families, depende sa kanilang rehiyon.


Ipinunto ng kongresista na hindi gaya sa public schools, walang kita ang mga guro sa mga pribadong paaralan hangga’t hindi nagbubukas ang klase sa Agosto.

Kung nakatanggap na ng ayuda ang private school employees sa ilalim ng Bayanihan 1 ay maaaring hindi na ito isama sa Bayanihan 2.

Pinakikilos naman ng mambabatas ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tukuyin ang mga potential beneficiaries sa private schools.

Facebook Comments