AYUDA PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA MANAOAG, NAIPAMAHAGI NA SA IKALAWA NITONG SEMESTRE

Natanggap na ng mga Senior Citizen sa bayan Manaoag ang kanilang ayuda mula sa ikalawang semester ng Social Pension Program ng DSWD.
Nasa kabuuang 1,145 na mga Senior Citizen sa bayan ang tumanggap ng tig tatlong libong piso mula sa 2nd semester ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizen.
Karagdagang tulong ito ng gobyerno sa halagang limang daang piso na buwanang stipend nang sa gayon ay makatulong din sa pang araw araw tulad na lamang sa aspeto ng medikal ng mga nabigyang benepisyaryo.

Ang pagsasagawa naman nito ay mula sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DSWD Region 1 Office at ng MSWDO. |ifmnews
Facebook Comments