Thursday, March 26, 2026

Ayuda para sa middle class, pag-aaralan muna ng Palasyo

Pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng cash aid sa minimum wage earners, middle class, at mga kawani ng gobyerno na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakasalalay sa kakayahan ng pondo ng gobyerno kung maipapatupad ang naturang tulong pinansyal.

Ipinaliwanag din ng Palasyo na mas naunang tinutukan ang transport sector dahil sila ang direktang tinamaan at pinaka-nangangailangan ng agarang ayuda.

Binabalanse rin aniya ng pangulo ang mga hakbang upang hindi agad sumirit ang pamasahe at sabay na makinabang ang mas nakararami.

Sa ngayon, sinabi ni Castro na may umiiral nang mga hakbang para maibsan ang epekto ng krisis, kabilang ang libreng sakay at diskwento sa pamasahe sa LRT at MRT, na pakikinabangan din ng mga manggagawa at middle class.

Facebook Comments