AYUDA | Pautang para sa mga magsasakang tinamaan ng bagyo, pinapapaspasan ni PRRD

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agriculture (DA) na makipag-ugnayan sa Landbank of the Philippines at Development bank of the Philippines.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go ito ay para maging madali sa mga magsasaka na makautang at agad na makabangon kasunod ng pinsalang idinulot ni Ompong sa kanilang mga pananim.

Sabi Go, malaking pinsala sa agrikultura ang iniwan ng kalamidad at gusto aniya ni Pangulong Duterte na mabilis na makabangon ang mga magsasaka.


Ang kailangan aniya ay maibigay sa ngayon sa mga kinauukulan ang agricultural seeds habang tiniyak din ng kalihim na ibibigay ang iba kailangang ayuda para sa kanila.

Dagdag ni Go na pinamamadali din ng Pangulo kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr at DSWD OIC Virginia Orogo ang pagbibigay ng emergency shelter assistance sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Facebook Comments