Manila, Philippines – Magpapadala ang gobyerno ng Pilipinas ng mga sundalo, engineer at doktor sa Japan.
Ito ay para tumulong sa Japan sa rescue at rehabilitasyon na sinasalanta ng bagyong Gardo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang natalakay sa Cabinet meeting Lunes ng gabi na ipinatawag ng Pangulo.
Magpapadala rin aniya ang Pilipinas ng mga gamot sa Japan.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa 155 ang kumpirmadong nasawi habang 10 ang nawawala sa pagbaha at mudslide sa Japan.
Kinumpirma naman ng embahada ng Pilipinas sa Osaka na walang Pinoy na nadamay sa kalamidad.
Facebook Comments