Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malacañang na magbibigay ang China ng 500 million renminbi o katumbas ng 3.8 billion pesos na halaga ng dagdag na ayuda.
Ito ay kasabay sa nangyaring bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magagamit aniya ito para sa pagpapalago pa ng ekonomiya ng bansa.
Bukod dito, napag-usapan din aniya ang joint oil exploration sa West Philippine Sea.
Magkakaroon din ng paglalagda ng memorandum of understanding ukol sa infrastructure program na pangungunahan ng China.
Facebook Comments