AYUDA | PRRD, tiniyak na bibigyan ng pabahay ang mga nasunugan sa Zamboanga City

Zamboanga City – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng mga pabahay ang mga Tausug at iba pang katutubong nasunugan sa Zamboanga City.

Sa kaniyang pagbisita sa Labuan, Zamboanga City inatasan ng Pangulo ang Housing Urban Development Coordinating Council at ang National Housing Authority (NHA) na magpunta sa Zamboanga at pag-aralan ang pagpapatayo ng mga pabahay gaya ng sa Marawi City.

Kasabay nito, humingi ng isang taong palugit ang Pangulo para masimulan ang mga pabahay.


Maliban sa mga pabahay, tiniyak rin ni Duterte na magbibigay siya ng tulong pinansyal sa mga ito.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na nais niyang buksan ang barter trade sa Mindanao.

Aniya, kukunsultahin niya ang kaniyang gabinete hinggil rito.

Facebook Comments