Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na magtutuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad partikular na ang mga naapektuhan ng bagyong Ompong.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, namahagi sila ng tulong sa mga apektadong residente ng Gattaran at Baggao sa Cagayan.
Sinabi pa nito na aabot na sa 233 households mula sa mga Barangay Bitag Grande at 160 households mula naman sa Barangay Mocag sa Baggao ang napagkalooban nila ng mga gamit para sa pagkukumpuni ng kanilang bahay.
Habang nasa 355 families mula sa Barangay San Vicente sa Gattaran ang nakatanggap ng basic household items tulad ng blankets, plastic mats, mosquito nets, jerry cans, hygiene kits at tarpaulin mats.
Aabot na rin sa 6,225 individuals ang nabigyan ng PRC ng psychosocial support.
Kasunod nito nangako din ang ilang volunteers ng Red Cross na tutulong sa paghahanap sa mga nawawala pa rin nang manalasa ang bagyong Ompong.