Ayuda sa gitna ng pandemya: Pitmaster Foundation nagbigay ng P20-M halaga ng homecare kits

Nagbigay ng libo-libong COVID-19 homecare kits sa pinakamahihirap na pamilya sa Metro Manila ang Pitmaster Foundation bilang tugon nito sa gitna ng pandemya. Ang  nasabing  mga homecare kits na nagkakahalaga ng P20 milyon ay tumutulong sa mga pamilya na alagaan ang kanilang mga sarili o kamag-anak na COVID-positive habang nagpapagaling sa bahay.

Malaking tulong ito para mabawasan ang bilang ng mga pasyente sa ospital, lalo na noong kasagsagan ng pagdami ng kaso dahil sa iba’t ibang COVID-19 variants.

Ang nasabing homecare kit ay may lamang thermometer, bitamina, paracetamol, antibacterial gargle, alcohol, face masks, at pamphlet na naglalaman ng impormasyon sa COVID-19 prevention at pagpapagaling.


“The foundation takes a bold resolution for this year to serve more, serve better, and serve deeper. We are relentless in pursuing this mission, and this homecare kit donation is part of our many efforts this year to help the communities we serve. We follow the lead of our LGUs as they know better the needs of their constituents. We are only helpers of the government,” ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz.

Nitong Enero, ang Pitmaster Foundation ay nakapagpamigay na ng halos 45,000 homecare kits sa Metro Manila, na siyang naging sentro ng COVID-19 infections sa bansa. Nagbigay rin ito ng 1,000 kits sa mga tricycle drivers sa Bicutan, Parañaque at Sta. Ana, Manila noong Pebrero. Magbibigay rin ng karagdagang 2,000 kits sa iba pang TODAs sa ibang rehiyon.

Bukod dito, nagbigay ang Pitmaster Foundation ng P100 million cash at testing kits sa 17 LGUs ng Metro Manila, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), DOH at DILG bilang suporta sa pandemic response nito.

“Through our contribution to the government, COVID mass testing kits can now be made readily available in every city in the NCR to be able to detect and isolate those who are sick so as not to infect their families or co-workers,” dagdag ni Cruz.

Nangako si Cruz na mananatiling kaagapay ng mga Pilipino at ng gobyerno ang Pitmaster Foundation. Ang Pitmaster Foundation ang corporate social responsibility unit ng e-sabong operator, Lucky 8 Star Quest. Para sa karagdagang impormasyon ukol dito, bumisita sa Facebook page nito.

Facebook Comments