Matapos na makumpleto ang distribution plan para sa anim na munisipyong mabebenipisyuhan sa pamamagitan ng pulong na isinagawa ng Food and Agriculture Organization of the United Nations o UN-FAO at mga municipal agricultural Officer at ng mga opisyales ng Magungaya Mindanao, Inc., (MMI) na siyang nagsisilbing partner-NGO ng UN-FAO, maisasagawa na ngayong buwan ang pamamahagi ng agricultural input packages sa libu-libong magsasaka sa probinsiya ng Maguindanao.
Ayon kay FAO Agronomist at Peace Bulding Specialist Cesar V. Galvan, isinagawa ang napakaimportanteng pagpupulong upang masiguro ang kaayusan at pagiging epektibo ng isasagawang malawakang pamamahagi ng tulong pansaka sa 2,796 magsasakang pamilya sa Maguindanao.
Ang mga ipapamahaging farm inputs at implements ay binhi ng palay, mais, iba’t-ibang gulay, at pala.
Ang bawat magsasakang benepisyaryo ay makatatanggap ng alinman sa binhi ng palay o mais na may kasamang abono.
Ayuda sa halos 3,000 magsasaka ARMM, mauumpisahan na!
Facebook Comments