Ayuda sa mahihirap mas mainam kung cash at hindi “in kind”

Para kina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator Joel Villanueva, mas mainam na pera sa halip na “in kind” ang ibigay na ayuda sa mga mahihirap na labis na apektado ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus bubble.

Giit ni Recto, mas madali at mas praktikal kung cash ang ayuda.

Paliwanag naman ni Senator Villanueva, mas maraming dapat isaalang-alang kung “in kind” ang ayuda tulad ng proseso ng pagbili sa mga ibibigay na tulong, logistical nightmare o kung paano ito maipapamahagi pati ang gastos sa distribusyon.


Punto ni Villanueva, bakit hindi hayaan ang mga benepisyaryo na magdesisyon kung ano ang bibilhin at saan gagastusin ang matatanggap na ayuda.

Dagdag pa ni Villanueva, ang paggastos ng mga bibigyan ng ayuda ay makakatulong din sa ekonomiya ng kanilang lugar.

Facebook Comments