Ayuda sa marginalized small farmers and fisheries, umabot na sa P1-B

Umabot na sa ₱1 bilyon ang naipalabas ng Department of Agriculture (DA) sa mga Partner Lending Conduits para sa implementasyon ng SURE COVID-19 Loan program.

Ayon kay Assistant Secretary Noel Reyes, naibigay na Agriculture Credit Policy Council, ang naturang pondo sa may 73 na Partner Lending Conduits sa 43 mga probinsya.

Aabot naman sa 19,801 na marginalized small farmers and fisheries ang napagkalooban ng loan na halos ₱518.35 million.


Ang naturang financing program ay bahagi ng expanded SURE Aid and Recovery Project ng DA na ang layon ay iangat ang produksyon sa sektor ng agrikultura sa panahong may COVID-19.

Facebook Comments