AYUDA SA MGA APEKTADO NG BAGYONG KARDING, IPINAMAHAGI NG DSWD FO2

Nagsimula nang mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Karding ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2.

Tinatayang nasa 200 Family Food Packs na nagkakahalaga ng P104,294 ang naipamahagi at naihatid sa mga bayan ng Ramon at Dinapigue sa Isabela; Alfonso Castañeda, Bagabag, Dupax Del Norte, at Solano sa Nueva Vizcaya; at Aglipay, Cabarroguis at Diffun sa Quirino. Ayon kay Regional Director Lucia Alan, ang mga naipamahaging tulong ay parte ng relief augmentation sa mga lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, patuloy parin ang isinasagawang assessment at validation ng lokal na pamahalaan para sa interbensyon at tulong na maaaring ibigay sa apat na pamilyang naireport na ‘Partially Damaged Houses” sa mga bayan ng Alfonso, Castañeda, at Aritao.

Facebook Comments