Ayuda sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro hindi kukulangin – DBM

May sapat na pondo ang gobyerno para sa ayuda sa mga naapektuhan pa rin ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman na sa kasalukuyan ay may pondo pa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang mga lokal na pamahalaan na apektado ng oil spill para sa ayuda sa mga apektadong mangingisda at kanilang mga pamilya katulad ng cash for work program.

Kung sakali man aniya na kapusin na ang pondo ang mga ito ay maaring gamitin ng DBM ang unprogrammed funds na umaabot sa 588.1 bilyong piso na kasama sa 2023 national budget.


Pero hanggang sa ngayon ayon kay Secretary Pangandaman wala pa silang natatanggap na hiling mula sa LGU o anumang ahensya ng pamahalaan.

Kinakailangan din aniya ng certification mula sa Department of Finance para mai-release ang karagdagang revenues.

Facebook Comments