Ayuda sa mga manggagawang hindi makapagtrabaho dahil sa COVID-19, tiniyak ng Japanese Government

Tiniyak ng Japanese Government ang pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan nitong apektado ang trabaho dahil sa COVID-19.

Prayoridad nito ang mga magulang na hindi makapasok sa kanilang trabaho dahil sa pag-aasikaso ng kanilang mga anak na hindi rin nakakapasok matapos pansamantalang isara ang mga paaralan.

Kaugnay nito, inatasan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang mga Japanese at foreign employers na magsumite ng listahan ng mga manggagawang hindi makapagtrabaho dahil sa COVID-19.


Ngayong araw, sumampa na sa 1,000 ang tinamaan ng sakit sa Japan, 12 rito ang nasawi.

Facebook Comments