Ayuda sa mga mawawalan ng trabaho kaugnay ng rehabilitasyon ng Manila Bay, tiniyak ng DOLE

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aayudahan nila ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho sa pagpapasasara ng ilang establisyimento sa paligid ng Manila Bay.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na makikipag-usap sila sa mga may-ari ng restaurant na ilipat muna sa ibang branch ang mga maaapektuhan ng temporary unemployment.

Kung hindi uubra, maaari naman daw silang magpatupad ng emergency employment gaya ng ginawa nila sa noong isinailalim sa rehabilitasyon ang Boracay.


Sa isyu naman ng close fishing ban sa tawilis, tiniyak ng kalihim na bibigyan nila ng alternatibong kabuhayan ang mga mangingisdang maaapektuhan nito.

Sa kabilang dako, asahan na aniya pagdami ng trabaho ngayong taon hanggang sa 2022 dahil sa build, build, build program ng gobyerno.

Asahan na aniya ang 800,000 hanggang isang milyong job opening kada taon.

Facebook Comments