Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa na ang mga ibibigay na tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng Bagyong Enteng.
Ayon sa Pangulo, hinihintay na lamang na bahagyang gumanda ang panahon para maihatid ang tulong lalo na sa mga lugar na pinakaapektado ng kalamidad.
Karaniwang sa mga ipamamahagi ay ang pagkain, gamot, at iba pang basic goods.
Pero sabi ni Pangulong Marcos, kahit hindi makisama ang panahon, ay may nakalatag namang paraan para maibaba ang ayuda sa publiko.
Sa datos ng pamahalaan, may higit 140,000 na idibidwal sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, at Central Visayas ang apektado ng Bagyong Enteng.
Nauna na ring sinabi ng Pangulo na bago pa man dumating ang kalamidad ay naka-preposition na ang kailangang tulong para hindi maantala ang kanilang standard operating procedure.