Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na ipamahagi agad ang cash assistance sa mga low-income families o sa mga walang trabaho o walang kakainin ngayong ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, ang mga maaapektuhan ng ECQ ay dapat makatanggap ng financial assistance.
Mahalagang maibigay ang ayuda para hindi magpumilit ang mga tao na lumabas ng kanilang mga bahay para maghanapbuhay.
Sinabi na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isinasapinal ng economic team kung saan manggagaling ang pondo para sa ayuda at ang paraan ng distribusyon nito.
Ang mga apektado ng ECQ partikular ang mga hindi makakapagtrabaho ay makatatanggap ng financial assistance, kabilang ang mga benepisyaryo ng dalawang tranches ng Social Amelioration Program (SAP).
Pero nilinaw ni Roque na ang mga benepisyaryo ay makatatanggap lamang ng maliit na halaga kumpara sa orihinal na natanggap nila mula sa SAP.