‘AYUDA SA PRESYO’ Program, Papakinabangan ng Corn Farmers sa Isabela

Cauayan City, Isabela-Tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang sahod sa ilalim ng ‘Tulong Pangkabuhayan Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers’ (TUPAD) ngayong araw sa ilang barangay sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela.

Pinangunahan ni Isabela Governor Rodito T. Albano III at Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Atty. Evelyn Ramos kasama rin si 1st District Representative Antonio “Tonypet” Albano ang pamimigay ng sahod at ba pang tulong sa mga benepisyaryo ng programa.

Sa kabila nito, inihayag naman ng gobernador ang kasalukuyang ‘Ayuda sa Presyo’ program para sa mga nagsasaka ng mais kung saan may dagdag na P1.50 kada kilo ang magmumula sa provincial government na siyang maidaragdag sa mga magbebentang magsasaka subalit ito ay para lamang sa may mga higit 2 ektarya pababa ang sinasaka.


Ipinunto rin ng opisyal ang nalalapit na pagtatapos ng ginagawang tulay sa nasabing bayan para sa mas maayos na daan at magdurugtong sa Sto.Tomas- Quezon.

Kasalukuyan rin ang pagsasaayos ng mga creek upang mapigilan ang posibleng pagbaha kapag nakakaranas ng malakas na bagyo ang lugar.

Sa kabilang banda, pinaalalahanan naman ni Cong. Tonypet ang publiko na tiyakin pa rin na nasa maayos ang kanilang kalusugan dahil sa patuloy na pagkalat ng virus dulot ng pandemya sa bansa, kanya ring inihayag na ang nalalapit na paggawa ng Cabagan-Sto. Tomas bridge ay aprubado na sa budget hearing ng kongreso.

Kinabibilangan naman ng mga Barangay Calinaoan Centro, Cañogan Abajo Sur at Bolinao ang nakatanggap ng nasabing tulong.

Facebook Comments