Nanawagan ngayon ang mga magsasaka sa Barangay Bucal Sa Silang, Cavite ng ayuda para muli silang makaahon sa kanilang kabuhayan.
Nabatid kasi na lubos na naapektuhan ang mga tanim nilang saging, pinya at kape sa nangyaring pagsabog ng Bulkang Taal.
Ayon kay Barangay Bucal Chairman Valeriano Henrnadez, pangunahing pangkabuhayan ng kaniyang mga kabarangay ang pagtatanim ng pinya at kape kaya umaasa siya na mabigyan sana ang mga ito ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
Todo pasalamat naman ang mga bakwit maging si Chairman Valeriano sa pagdating ng DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation dahil hindi nila akalain na may darating pa na tulong.
Aabot sa dalawang daang pamilya ang nabigyan ng hygiene kit gayundin ang set ng food packs at mga vitamins.
Nagpasasalamat naman tayo sa ACS Manufacturing Corporation na patuloy na sumusuporta sa DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation sa hangarin na makapagbigay tulong sa mga kababayan natin na biktima ng kalamidad maging sa ating mga listeners at sa ilang individwal na nagbigay ng donasyon sa ating Oplan: Tulong Taal donation box na nakaset up sa ground floor ng Guadalupe Commercial Complex Building at sa looby ng ating station.