Ayuda sa tourism sector, ipapamahagi na

Uumpisahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng ayuda sa tourism sector sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program o CAMP.

Sa update ng DOLE sa House Committee on Tourism, sinabi ni Usec. Nikki Tutay na October 28, 2020 pa na-download sa regional offices ang ₱4.7 million na pondo para sa CAMP at sisimulan ang pamamahagi ng ₱5,000 na financial assistance sa November 15.

Idinagdag din ni Tutay na sinimulan na rin ang pag-download sa mga regional offices ng pondo para naman sa kanilang TUPAD program.


Hiniling naman ni Aklan Rep. Ted Haresco sa DOLE central office na kalampagin ang kanilang regional offices na sundin ang polisiya at huwag patagalin ang pagre-release ng ayuda para sa naapektuhang tourism related business.

Sa ilalim ng Bayanihan 1, aabot sa 111,000 na displaced tourism workers mula sa mahigit 7,000 tourism establishments ang natulungan ng CAMP.

Two-thirds sa mga ito na hindi nabigyan ng ayuda ang uunahin at bibigyang prayoridad naman sa ilalim ng Bayanihan 2.

Facebook Comments