Manila, Philippines – Handang tumulong at suportahan ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga nakauwing Pilipinong mangingisda matapos ikulong sa Indonesia.
Binigyan ni Go ng tig-tatlong libong piso at grocery packs ang bawat 31 pilipinong mangingisda na nakauwi na ng bansa.
Ayon kay Go – nais din niyang pabilisin ang repatriation process ng mga natitirang Pilipinong nakaditine sa Indonesia.
Aniya, kinakailangang maturuan o mapaalalahanan ang mga mangingisda kung hanggang saan lamang sila maaaring mangisda sa karagatang sakop ng bansa.
Umaasa si Go na matalakay ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Indonesian President Joko Widodo sa gaganaping 32nd ASEAN Summit sa Singapore sa susunod na linggo.
Nabatid na nasa 31 mangingisda ang idinitine sa North Sulawesi dahil sa illegal fishing o overstating.