“Ayuda scam”, iimbestighan ng DSWD

Iimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang napaulat na umano’y pagkakadawit ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program sa ayuda scam.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakakaalarma ang naging pahayag ng ilang witnesses sa naging pagdinig sa Senado noong January 23 na natatapyasan ang cash aid na ibinibigay sa beneficiary dahil kinukuha umano ito ng mga unidentified person.

Binigyang diin ni Gatchalian na hindi pahihintulutan ng DSWD na madawit sa “ayuda scam” ang cash assistance na ibinibigay sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong.


Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa umano’y “ayuda scam” at mapanagot.

Facebook Comments