AYUDA | Special Assistant to the President Bong Go, binisita ang mga nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila

Manila, Philippines – Nagpaabot ng tulong si Special Assistant to the President Bong Go sa mga residenteng naapektuhan ng sunog bahay sa Santa Cruz, Maynila.

Ibinigay ni Go ang kanyang mga personal na gamit tulad ng damit at sapatos sa mga nasunugan.

Nais ipaabot ni Go ang kalungkutan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangyayari.


Makakasiguro aniya ang mga pamilya ng tulong mula sa gobyerno.

Bukod sa matatanggap na ayuda mula sa DSWD at DOH, nakahanda na rin ang mga packed groceries at tulong pinansyal mula sa Office of the President.

Facebook Comments