AYUDA | SSS, maglalabas ng bilyong pisong pondo para sa mga sinalanta ng Bagyong Vinta at Urduja

Manila, Philippines – Naglaan na ng 2.55 bilyon peso ang Social Security System (SSS) bilang relief assistance sa halos 200 libong aktibong miyembro at pensioners nito na naapektuhan ng Bagyong Urduja at Vinta noong nakalipas na taon.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ang mga miyembro ay maaaring makakuha ng calamity loan, tatlong buwan na advanced pension at Direct House Repair at Improvement Loan simula ngayong araw.

Ang Calamity Loan Assistance Program ay isang hiwalay na Loan Window mula sa Regular Salary Loan Program kung saan ang mga miyembro ay maaaring makahiram ng hanggang P16,000, depende sa kanilang SSS Monthly Credit na siyang basehan ng halaga ng kanilang kontribusyon.


Ang loan ay babayaran sa loob ng dalawang taon sa equal monthly installments na may Annual Interest Rate na 10 porsiyento at isang porsiyento kada buwanang multa para sa mga late payments.
Pero nilinaw ni Dooc na hindi qualified sa Calamity Loan Assistance Program ang mga miyembro na may Outstanding Loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program.

At sa mga dating nag avail ng CLAP, pati na ang mga tumatanggap ng pensions para sa Total Permanent Disability at Retirement.

Bukod sa CLAP, ang mga SSS Members na nasiraan ng kabahayan ay maaari ring makakuha ng Direct House Repair and Improvement Loan na may pinababang rate ng anim na porsiyento bawat taon at hindi na pagbabayarin sa processing fee.

Hanggang Abril 23 ng taon lamang tatanggap ng application ang SSS para CLAP at three-month advance pension habang ang Direct House Repair at Improvement Loan Application ay hanggang Enero 23, 2019.

Facebook Comments