AYUDA | Tulong sa mga maapektuhan ng bagyong Samuel, nakahanda na – DSWD

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na hindi makakaapekto sa pagtulong sa mga masasalanta ng bagyong Samuel ang pagsibak sa kanilang tatlong opisyal.

Ayon kay DSWD Assistant Sectary Glenda Relova, may nakahanda silang halos 170,000 family food packs.

Aniya, mayroon na rin aniya silang mahigit 870 milyong pisong halaga ng food at non food items na naka-stand by.


Facebook Comments