AYUDA | Umano’y EJK sa bansa, hindi dahilan para itigil ang ayuda ng EU sa Pilipinas

Manila, Philippines – Malaki pa rin ang tiwala ng European Union sa Pilipinas dahil tuloy pa rin ang kanilang ayuda sa kabila ng mga napaulat na extra judicial killing sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni EU Ambassador Franz Jessen na ang Generalize Scheme of Preference plus ay lalong lumalago at nanindigan na hindi babawiin ng EU ang kanilang ayuda dahil lamang sa usapin ng extra judicial killing sa bansa.

Paliwanag ni Jessen na lumago umano ng 21 porsyento ang pag-e-export ng bansa simula noong nakaraang taon na pumalo sa 1.67 Billion Euro sa ilalim ng GSP plus preferential treatment.


Giit ni Ambassador Jessen nasa tamang direksyon ang tinatahak ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ang development sa mga imprastraktura at agrikultura sa bansa.

Facebook Comments