AYUDA | United Nations, nag-alok na ng tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng buklang Mayon – NDRRMC

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sapat ang suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pag–aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa interview ng RMN kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan – nakahanda na ang mga ibibigay na ayuda na kayang tumagal ng hanggang tatlong buwan.

Aniya, paparating na ang iba pang tulong mula sa national government maliban pa sa mga naka–standby na suplay sa region 5 Disaster Risk Reduction and Management Council.


Sinabi rin ni Marasigan – halos 27 milyong piso ang halaga ng ayuda na ipinarating sa mga apektado.

Nag-alok na rin aniya ang United Nations ng tulong.

Sa huling datos ng NDRRMC, higit 7,000 pamilya ang nasa evacuation centers.
Habang higit 1,500 ang tumuloy sa kanilang mga kalapit na kamag-anak.

Facebook Comments