Ayudang ipinamahagi sa mga benepisyaryong naapektuhan ng ipinatupad na ECQ, 100% nang tapos

Kumpleto nang naipamahagi ang 100% ayuda para sa mga benepisyaryong naapektuhan ng lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nagkakahalaga ito ng P11.22 billion mula sa P11.25 billion ng kabuuang pondo na naipamigay sa mga naapektuhang residente.

Ang halaga ay katumbas ng mahigit 11-milyong indibidwal na nakatanggap na ng ayuda.


Nilinaw naman ni Año na may ilang LGUs ang nakatakdang magbalik ng pera dahil wala namang tumatanggap nito sa kanilang lungsod.

Maliban sa Metro Manila, inamin ng kalihim na 87% pa lamang ng ayuda ang naibibigay sa probinsiya ng Laguna habang 61% naman sa probinsiya ng Bataan.

Facebook Comments