Simula ngayong linggo ay matatanggap na ng mga residente ng Maynila ang ayuda sa ilalim ng Food Security Program.
Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang tulong para sa 700,000 pamilya ngayong buwan ng Marso.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, inilunsad ang programa upang mabigyan ng ayuda sa pamamagitan ng food boxes ang bawat pamilyang Manileño.
Layunin ng Food Security Program ng Maynila na maibsan ang gutom ng bawat pamilyang Manileño sa gitna ng pandemya habang hindi pa nababakunahan ang 70% ng mga taga-Maynila.
Noong buwan ng Pebrero ay una nang nakatanggap ng ayuda ang mga residente at pamilya sa Maynila.1
Facebook Comments