Ayungin Shoal outpost, hindi aabandonahin – Malacañang

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi aabandonahin ng pamahalaan ang outpost nito sa Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa dalawang bangka ng Pilipinas sa nasabing lugar.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan at hurisdiksyon nito sa Ayungin Shoal at sa iba pa nitong teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).


Tiwala naman ang Malakanyang na gagawin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng mga angkop na hakbang hingil sa nasabing usapin.

Facebook Comments