Manila, Philippines – Pinalaki ng Department of Public Works and Higways ang drainage system sa brgy Lapaz District 1 sa Makati City. Ito ay bunsod ng mga pagbahang nararanasan ng mga residente sa lugar tuwing umuulan.
Ayon may DPWH NCR Director Melvin Navarro, nasa 20 milyong pisong halaga ang ginastos ng departamento upang maisakatuparan ang drainage project, na nakakonekta rin sa main drainage system sa Chino Roces Avenue hanggang AP Reyes Avenue.
Ayon kay Navarro, magbibenepisyo rin dito ang mga residente sa mga low- lying street tulad ng Kamagong.
Kaugnay nito, sinabi ni Navarro na bahagi ng plano ng DPWH, na mapalaki ang mga drainage systems sa mga National Roads sa Metro Manila.
Facebook Comments