Azkals coach Thomas Dooley may plano na kung sino ipapalit para sa injured na si Manny Ott sa Azkals line-up kontra Yemen

Sports – Posibleng sumandal kay James Younghusband o Paul Mulders si Philippine Azkals coach Thomas Dooley para sa importanteng laban nila sa Martes.

Ayon kay Dooley, masyado pang maaga para maging pinal ang kaniyang line-up pero sa ngayong ang dalawang beteranong Azkals ang puwde niyang ipalit sa puwesto ni Manny Ott na nagtamo ng MCL injury noong Miyerkules.

Puwede rin daw bumaba si Phil Younghusband para makapagpasok pa ng isang midfielder kung kinakailangan.


Sabi pa ni Dooley may hanggang Lunes pa ng gabi niya puwede pag isipan kung ano ang magiging kamada ng koponan sa kanilang rematch sa Yemen sa group stage ng 2019 Asian Cup Qualifying Tournament.

Sa kanilang huling laro sa Panaad Stadium sa Bacolod City, nagtabla ang Azkals at Yemen sa score na 2-all.

Facebook Comments