AZKALS | Terry Butcher hindi na tutuloy bilang coach ng Philippine Azkals

Hindi na matutuloy ang pagiging head coach ni Terry Butcher ng Philippine Azkals.

Sa isang statement sa press association sport, inihayag ni Butcher ang pagbabago ng isip nito.

Ayon kay Butcher hindi umayon sa kaniyang plano ang mga nais nitong mangyari para national men’s football team kaya minabuti na lang nito na magbitiw sa kaniyang pagkakatalaga bilang tagatimon ng Philippine Azkals.


Sa kabila nito, ninanais pa rin ni Butcher na maging maganda ang debut ng Azkals sa 2019 Asian Cup na gaganapin sa United Arab Emirates sa Enero.

Idinagdag pa nitong sana balang araw ay makita niya ang Pilipinas sa World Cup balang araw.

Maalalang ipinakila sa isang simpleng pagtitipon si Butcher, na dating England Captain, bilang head coach at si Stuart Cooper bilang senior adviser ng koponan.

Facebook Comments