Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang bagong na-detect na variant ng COVID-19 na natukoy sa South Africa.
Tatawagin ang bagong variant na ito na “OMICRON” kung saan ito na ang ikalimang deklaradong “variant of concern” ng WHO.
Ayon naman sa mga siyentipiko ay mayroon umano itong sampung mutations o mas nakakabahala ito kumpara sa dalawang variant na Delta at Beta.
Nauna na ring nagpatupad ng restrictions ang South Africa sa mga karatig bansa nito.
Samantala, ipatutupad naman ng Pilipinas, ang paghihigpit sa mga manggagaling sa bansang South Africa at Botswana. Kabilang na rin sa ipagbabawal ang mga flights mula sa dalawang nabanggit na bansa at sa mga bansang Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique. | ifmnews
Facebook Comments