Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na matagal nang na-detect sa bansa ang
BA.2.75 subvariant ng Omicron na unang na-detect sa India.
Gayunman, nilinaw ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hindi naman mapanganib ang naturang subvariant at walang dapat ikabahala ang publiko.
Ayon kay Vergeire, ang BA.5 subvariant pa rin ang may pinakamaraming kaso sa Pilipinas o ang tinatawag na dominant variant sa bansa.
Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na ang lahat na nagsulputang Omicron subvariants ay hindi naman delikado.
Ang BA.2.75 subvariant ay sinasabing mas madali makahawa kahit sa mga bakunado at may booster shots.
Facebook Comments