Inihayag ng isang health expert na bagama’t posibleng kumalat ay hindi magiging severe ang epekto ng BA.4 Omicron subvariant.
Nabatid na 20% hanggang 25% na mas nakahahawa ang BA.4 kumpara sa BA.2.12.1 na mayroon nang local transmission sa bansa.
Pero ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, hindi na aabot sa 20,000 per day ang maitatalang bagong kaso dahil sa BA.4 tulad ng naranasan noong Enero.
Mainam pa rin aniya na magpabakuna at sumunod na minimum public health protocols para manatiling ligtas mula sa mga bagong Omicron subvariants.
Dagdag pa ni David, hindi dapat alisin ang polisiya ukol sa pagsusuot ng face mask hangga’t hindi idinedeklarang endemic ng World Health Organization ang COVID-19.
Facebook Comments