BA.5, pinakadominanteng Omicron subvariant sa ilang rehiyon sa bansa – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang BA.5 na ang pinakadominanteng Omicron subvariant sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumabas sa kanilang sequencing result na mas marami na ang BA.5 kumpara sa ibang variant ng COVID-19.

Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na ang konklusyon ay nakadepende pa rin sa isinumiteng samples at limitado lamang ang genome sequencing sa bansa.


Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang bansa ng 293 na kabuuang kaso ng BA.5 habang 87 naman ang BA.2.12.1, at 12 na BA.4.

Facebook Comments