Manila, Philippines – Makakalikom pa rin ang gobyerno ng P1.7 trilyon sa susunod na taon kahit ibaba ang rate ng Value Added Tax (VAT) sa 10%.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, batay sa kanilang pagtaya, aabot sa labing pitong trilyong piso ang nominal Gross Domestic Product o GDP.
Aniya ang GDP ay nagkabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa bansa na hindi binabago sang-ayon sa inflation.
Habang aabot naman aniya sa dalawang trilyong piso ang pondong malilikom ng gobyerno mula sa VAT kung ito ay mananatili sa 12 percent.
Isinusulong din ni Lacson na gawing limitado na lang sa 78 ang kasalukuyang 143 tax exemptions sa VAT.
Sa Indonesia aniya ay 37 lamang ang may tax exemptions habang 35 sa Thailand, 25 sa Vietnam at 14 lamang sa Malaysia.
Giit pa ni Lacson, dapat ay exempted sa VAT ang basic needs ng taumbayan gaya ng raw food, agriculture, health at education.