Manila, Philippines – Hinimok ni Senate President Koko Pimentel ang
pamunuan ng mga kolehiyo at unibersidad na babaan ang entrance examination
fees.
Ito ay matapos dumulog ang mga magulang ng ilang college-eligible students
at inirereklamo ang mataas na entrance fee na ipinatutupad ng ilang major
universities sa bansa.
Tanong ni Pimentel, kailangan bang magbayad ng pagkamahal-mahal kung kukuha
lang ng mga ganitong eksamen.
Mungkahi ng senador na makipagtulungan ang mga guro sa Department of
Education (DepEd) para bumuo ng standardized test para sa K-to-12 graduates
na tatanggapin sa lahat ng tertiary education institutions.
Sa pamamagitan aniya nito, hindi na kinakailangan ng mga kolehiyo at
unibersidad na gumawa ng sarili nilang entrance exams.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>