Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ba pumalo sa 6.2 ang Inflation o pagmahal ng halaga ng bilihin at serbisyo sa ikatlong quarter ng 2018
Ito ay mas mataas ng 1.4 sa naitalang 4.8 na inflation noong 2nd quarter ng taon.
Pinakamataas ang naging inflation sa produktong gulay na pumalo sa 18.8.
Sinusundan ito ng 12.4 na inflation sa Isda at mga seafood.
Aminado ang BSP na malaki ang naging epekto ng TRAIN law at pagtaas ng singil sa mga utility services, sa naging mataas na inflation ngayong ikatlong bahagi ng taon.
Nakaapekto rin ang ipinataw na sanction ng Amerika sa Iran ,sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Nakadagdag pa dito ang mataas na presyo ng krudo sa world market.
Facebook Comments