Manila, Philippines – Tiwala si Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles na bababa sa mga susunod na taon ang unemployment rate sa bansa.
Ito ay kaugnay sa Latest Standard & Poor (S&P) global ratings research kung saan mula sa credit rating na `stable` ay umangat ito sa `positive` at pagdating sa financial aspect ng bansa ay umangat din sa `BBB` long term at `A-2` short term ratings.
Ayon kay Nograles, nangangahulugan na tama ang paraan ni Pangulong Duterte at ng kanyang gabinete sa pagpapatupad ng economic at fiscal policies.
Aniya, ang positibong pagtingin na ito sa improvement ng policy-making ng bansa ay makakasuporta sa tuluy-tuloy na sustainable public finances at balanced growth sa ekonomiya sa susunod na dalawang taon.
Umaasa si Nograles na dahil sa pag-angat ng mga mahihirap at pagganda ng ekonomiya sa bansa ay bababa sa 2019 ng 5.1% ang unemployment rate, 4.9% sa 2020 at 4.1% sa 2021.