Babae arestado matapos hubaran, sakalin ng hijab ang estudyanteng Muslim

Sinakal ng isang babae sa Oregon, US ang isang estudyanteng Muslim gamit ang sarili nitong hijab at saka ikinuskos sa maselang bahagi ng katawan, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat, hinila ng kinilalang si Jasmine Renee Campbell, 23, ang takip sa ulo ng 24-anyos na estudyante ng Portland State University noong Nobyembre 12.

Tinangkang sakalin ni Campbell ang estudyante gamit ang hijab at saka naghubad at ipinunas ang relihiyosong kasuotan sa kanyang dibdib at ari.


Sinabi pa ng salarin na hindi niya planong saktan noon ang biktima.

Pinatawan ng attempted strangulation, harassment, criminal mischief at committing a hate crime si Campbell noong Enero 3 matapos na bigong magpakita sa korte.

Samantala, sinabi ng biktimang foreign exchange student mula Saudi Arabia na ikinatatakot niya na ang pagsusuot ng hijab at ngayo’y nagsusuot na lamang siya ng sombrero upang itago ang ulo.

Facebook Comments