Babae, arestado matapos magbayad ng perang amoy marijuana para makapagpiyansa

529
(Unsplash)

LOUISIANA, USA – Arestado ang isang babae hindi katagalan matapos itong magbayad ng perang amoy marijuana bilang piyansa para sa isang preso sa Terrebonne Parish.

Nasa $5,000 o P252,775 halaga ang binayaran ni Stormy Lynn Parfait at ipinagtaka umano ng pulisya ang kakaibang amoy ng pera.

Nang mangamoy marijuana, agad pinaimbestigahan ng Sheriff ang sasakyan ni Parfait pagkatapos nitong piyansahan ang isang inmate na nahuli dahil sa drug charges.


Base sa pahayag ng sheriff department, naabutan pang nasa loob ng sasakyan ang babae at dito ay natagpuan ng detectives ang nasa mahigit 2,000,000 at 100 iba’t ibang klase ng pills.

Ginalugad din ang bahay ni Parfait at dito naimbestigahan ang daan-daang piraso ng pills at droga gaya ng marijuana, cocaine, at paraphernalia.

Apat na kabataan naman ang inilipat sa kustodiya ng kaanak ni Parfait nang arestuhin ito.



Humaharap ito sa patung-patong na reklamo gaya ng multiple counts of possession with intent to distribute drugs, four counts of illegal use of a controlled drug in the presence of persons under 17 at taking contraband to or into a correctional institution.

Facebook Comments