Babae, arestado matapos magbenta ng hubad na larawan ng mga kapitbahay, kaanak

Handcuffs

Hinuli ang 39-anyos na babae mula Antipolo City dahil sa pagbebenta umano ng mga hubad na larawan ng ilan sa kanyang mga kapitbahay at kamag-anak.

Natunton ang hindi kinilalang suspek sa isang money remittance center sa Barangay Sta. Cruz ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

Batay sa ulat ng pulisya, mistulang mga kabataan na nasa edad 3 hanggang 14 ang mga nasa larawang ibinibenta ng suspek.


Ayon naman kay Police Col. Maria Shella Portento, nakipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika para matimbog ang supplier ng pornograpiya sa bansa.

Samantala, nahuli pa ang suspek na may iniaalok sa undercover agent na isang 14-anyos na agad namang nasagip ng awtoridad.

Humaharap sa patung-patong na kaso ang naturang babae.

Facebook Comments